Mga Kababaihan ni Jose Rizal
JULIA
Noon ay buwan ng abril, 1877. Nagtungo si Rizal sa Ilog
Dampalit sa Los Baños, Laguna upang maligo. Doon nya nakita ang isang magandang
babae na nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni Julia ang nakakintal
sa isipan ni Rizal subali't tulad ng iba pang kabataan, ang paghanga ring
nalimutan nang makakilala siya ng isang dalagita ring taga-Lipa Batangas.
SEGUNDA KATIGBAK
Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal
si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa, Batangas. nakilala ni Rizal ang dalagang
ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang lola noong buwan ng disyembre 1877,
sampung buwan matapos makilala nya si Julia. Inilarawan ni Rizal si Segunda na
may mahabang buhok, matang nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman
sa ibang pagkakataon, malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti,
magagandang ngipin at may kilos na malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan
ni Rizal na iguhit niya ang larawan ni Segunda na kanya namang pinaunlakan.
Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal ang
sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na naipangako na ito sa
ibang lalaki, si Manuel Luz, subali't nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw
dito.
VICENTA YBARDALOZA
Ang sakit na nadama ni Rizal sa
paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang pinawi sa pagdalaw sa dalagang
naninirahan sa Pakil, Laguna na tinatawag niyang binibining L. Sinabi ni Rizal
na mas matanda ito sa kanya, maputiat nagtataglay ng mga matang kaakit-akit.
Pinaniniwalaan na ang babaing ito ay ang gurong si Vicenta Ybardaloza. Madalas
na dalawin ni Rizal si binibining L bagamat ang puso niya ay patuoloy na
nagungulila kay Segunda. nahinto lamang ang pagdalaw niya kay Bb. L nang
pagbawalan siya ng kanyang ama.
LEONOR VALENZUELA
Nang ikalawang taon niya sa UST ay
nakilala niya si Leonor na kapit-bahay ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ni
Rizal na si Doña Concha Leyva.Si Leonor ay anak nina Kapitan Juan at ni
kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng sulat, at upang hindi malaman
na sila'y may kaugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor sa pagsulat na ang tintang
ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang kanilang pag-iibigan at
nagkasundo na lamang silang magturingan bilang magkaibigan.
LEONOR RIVERA
Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang
landas ni Rizal at ni Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang
kapatid sa bahay ng kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor.
Ang pagmamahalan sa isa't isa ay naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa
isang pag-aaway ng mga estudyante sa UST at ito'y ginamot ni Leonor. Siya ay
inilarawan na may maputing balat, alon-along buhok na mamula-mula, may maliit
na bibig, may kalakihan at maitim na mata at mahahabang pilikmata, iong na may
katamtamang tangos, ngiting binabagayan ng dalawang biloy sa mala-rosas na mga
pisng, matamis na tinig na binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Matagal
nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry
Kipping si leonor Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina.
Namatay sa panganganak si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893 ngunit may
sinasabing namatay din siya dahil sa
kalungkutan.
kalungkutan.
CONSUELO ORTEGA y REY
Si RIzal ay hindi naman kagandahang
lalaki ngunit nagtataglay ng maraming talento kaya't nagustuhan siya ng
magandang anak ni Don Pablo sa Madrid na si Consuelo. may dalawang dahilan kung
bakit umayaw si Rizal sa relasyon nila:
- May kasunduan na sila ni Leonor.
- Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si Eduardo de Lete ay may gusto din kay Consuelo.
SEIKO USUI
Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay
27. Nagsimula ang pag-iibigan nila nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya
sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seiko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo
nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang niponggo ay pinipilt niya para
lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang pranses at
ingles. Doon na sana titira sa Japan si Rizal ngunit mas nanaig ang misyon niya
na na pagpapalaya sa Pilipinas. Taong 1897 matapos mamatay ni rizal ay
nagpakasal si Seiko kay Alfred Charlton, isang British guro ng chemistry.Namatay
si Seiko noong May 1, 1947.
GERTRUDE BECKETT
Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay
na tinirhan ni Rizal nang magtungo siya sa London. Inilarawan ni Rizal si
Beckett bilang babaeng may kulay brown na buhok, asul na mata at mapupulang
pisngi. HIndi rin nagtagal at umalis siya sa London upang makalimutan na siya
ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon a Maynila.
SUSANNE JACOBE
Isa sa dalawang dahilan kung bakit
masaya si Rizal nang umalis ng Belgium. Noong Abril, 1891 pagkatapos isulat ang
El Filibusterismo ay bumalik siya sa Belhika na ikinatuwa naman ni Susanne
Jacobe.
NELLIE BOUSTED
Isang babaeng maganda, matalino,
mahinahon, may mataas na moralidad at totoong Filipina. May dalawang dahilan
kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie na magpakasal:
Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.
Ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong protestantismo na gusto naman ni
Nellie
JOSEPHINE BRACKEN
Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. ang kanyang
mga magulang ay sina James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit
namatay ang ina nya sa panganganak kaya't inalagaan siya ni Ginoong George
Taufer. Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong
gulang, may gintong buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante.
Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan.
pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito
ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang
magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa
Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach
kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi
inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanilang anak na walong buwan pa lamang.
Ito ay pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay niya
muna ang librong imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si
Josephine 2 taon matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.
.
.
SOURCES
http://yakeeyakerz.tripod.com/website/homepage.html
www.yahoo.com
www.google.com.ph
www.wikipedia.org